Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 39)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. (39)
Tafsīr
Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya, at sa kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli ay na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay walang halaman ngunit kapag nagpababa sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay kumikilos ito dahilan sa paglago ng nakatago rito na mga binhi at umaangat ito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa lupang patay sa pamamagitan ng halaman ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay at tagabuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan ang pagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito ni ang pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay na muli sa kanila mula sa mga libingan nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: