Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 43

مَا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدْ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِنْ قَبْلِكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٍ 43 ٤٣

Walang sinasabi sa iyo [na pagpapasinungaling] kundi ang sinabi na sa mga sugo [ni Allāh] bago mo pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at may parusang masakit. (43)

Tafsīr
Walang sinasabi sa iyo, O Sugo, na pagpapasinungaling malibang sinabi na sa mga sugo bago mo pa, kaya magtiis ka sapagkat tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya at may parusang nakasasakit para sa sinumang nagpumilit sa mga pagkakasala niya at hindi nagbalik-loob.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba