Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 51

وَإِذَا أَنْعَمْنَا عَلَى الْإِنْسَانِ أَعْرَضَ وَنَأَىٰ بِجَانِبِهِ وَإِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ فَذُو دُعَاءٍ عَرِيضٍ 51 ٥١

Kapag nagbiyaya Kami sa tao, umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak. (51)

Tafsīr
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyaya ng kalusugan, kagalingan, at tulad nito, nalilingat siya sa pag-alaala at pagtalima kay Allāh, at nagtatalikod ng sarili niya dala ng pagpapakamalaki. Kapag may sumaling sa kanya na isang karamdaman, karalitaan, at tulad niyan, siya ay may panalanging marami kay Allāh, na idinadaing kay Allāh ang anumang sumaling sa kanya mula riyan upang alisin Niya iyan sa kanya. Siya ay hindi nagpapasalamat sa Panginoon niya kapag nagbiyaya sa kanya at hindi nagtitiis sa pagsubok kapag sinubok siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba