Kapag nagbiyaya Kami sa tao, umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak. Fuṣṣilat 41:51 ⧉
Tafsīr:
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyaya ng kalusugan, kagalingan, at tulad nito, nalilingat siya sa pag-alaala at pagtalima kay Allāh, at nagtatalikod ng sarili niya dala ng pagpapakamalaki. Kapag may sumaling sa kanya na isang karamdaman, karalitaan, at tulad niyan, siya ay may panalanging marami kay Allāh, na idinadaing kay Allāh ang anumang sumaling sa kanya mula riyan upang alisin Niya iyan sa kanya. Siya ay hindi nagpapasalamat sa Panginoon niya kapag nagbiyaya sa kanya at hindi nagtitiis sa pagsubok kapag sinubok siya.