Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 50 sa 54 • Tagalog


وَلَئِنْ أَذَقْنَاهُ رَحْمَةً مِنَّا مِنْ بَعْدِ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ هَٰذَا لِي وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِنْ رُجِعْتُ إِلَىٰ رَبِّي إِنَّ لِي عِنْدَهُ لَلْحُسْنَىٰ ۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِمَا عَمِلُوا وَلَنُذِيقَنَّهُمْ مِنْ عَذَابٍ غَلِيظٍ 50
Pagsasalin:
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin matapos na ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: “Ito ay ukol sa akin [dahil karapat-dapat ako] at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung pinabalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda.” Kaya talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang. Fuṣṣilat 41:50
Tafsīr:
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya mula sa Amin ng isang kalusugan, isang pagkayaman, isang kagalingan matapos ng isang pagsubok, at isang karamdamang tumama sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin dahil ako ay nababagay para rito at karapat-dapat. Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung ipagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit, tunay na ukol sa akin sa ganang kay Allāh ang pagkayaman at ang yaman sapagkat kung paanong nagbiyaya Siya sa akin sa Mundo dahil sa pagiging karapat-dapat ko roon, magbibiyaya Siya sa akin sa Kabilang-buhay. Talagang magpapabatid nga sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ginawa nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at talagang magpapalasap nga sa kanila ng isang pagdurusang malubha sa katindihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 49 Susunod Fuṣṣilat • Talata 51