Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 11

فَاطِرُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَمِنَ الْأَنْعَامِ أَزْوَاجًا ۖ يَذْرَؤُكُمْ فِيهِ ۚ لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ 11 ١١

[Si Allāh] ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman [ni may anumang totoong diyos maliban sa Kanya], at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. (11)

Tafsīr
Si Allāh ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad. Gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at gumawa Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kabiyak upang magdamihan ang mga ito alang-alang sa inyo. Lumilikha Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga kabiyak ninyo sa pamamagitan ng pag-aasawahan. Nagpapamuhay Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga hayupan ninyo mula sa mga karne ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Walang nakikitulad sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawain nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga gawain nila. Kung kabutihan, kabutihan [ang ganti]; kung kasamaan, kasamaan [ang ganti].

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba