Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 11 sa 53 • Tagalog


فَاطِرُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَمِنَ الْأَنْعَامِ أَزْوَاجًا ۖ يَذْرَؤُكُمْ فِيهِ ۚ لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ 11
Pagsasalin:
[Si Allāh] ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman [ni may anumang totoong diyos maliban sa Kanya], at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Ash-Shūrā 42:11
Tafsīr:
Si Allāh ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad. Gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at gumawa Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kabiyak upang magdamihan ang mga ito alang-alang sa inyo. Lumilikha Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga kabiyak ninyo sa pamamagitan ng pag-aasawahan. Nagpapamuhay Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga hayupan ninyo mula sa mga karne ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Walang nakikitulad sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawain nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga gawain nila. Kung kabutihan, kabutihan [ang ganti]; kung kasamaan, kasamaan [ang ganti].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 10 Susunod Ash-Shūrā • Talata 12