Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 12 sa 53 • Tagalog


لَهُ مَقَالِيدُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 12
Pagsasalin:
Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Nagpapaluwag Siya ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit Siya. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam. Ash-Shūrā 42:12
Tafsīr:
Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga langit at lupa. Nagpapaluwang Siya sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nanggigipit Siya sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para rito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa anumang naroon ang mga kapakanan ng mga lingkod Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 11 Susunod Ash-Shūrā • Talata 13