Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 13 sa 53 • Tagalog


شَرَعَ لَكُمْ مِنَ الدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِ نُوحًا وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ وَمَا وَصَّيْنَا بِهِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰ ۖ أَنْ أَقِيمُوا الدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُوا فِيهِ ۚ كَبُرَ عَلَى الْمُشْرِكِينَ مَا تَدْعُوهُمْ إِلَيْهِ ۚ اللَّهُ يَجْتَبِي إِلَيْهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ يُنِيبُ 13
Pagsasalin:
Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng [ Islām na] itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik [sa pagsisisi, pagtalima, at lahat ng mga nauukol sa kanila]. Ash-Shūrā 42:13
Tafsīr:
Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng tulad sa ipinag-utos kay Noe na ipaabot at gawin at ng ikinasi sa iyo, O Sugo. Nagsabatas Siya para sa inyo ng tulad sa ipinag-utos kina Abraham, Moises, at Jesus na ipaabot at gawin. Ang buod nito ay na: "Panatilihin ninyo ang Relihiyon at iwan ninyo ang pagkawatak-watak rito." Bumigat sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya. Si Allāh ay humihirang ng sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para magtuon dito sa pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya, at nagpatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabalik sa Kanya kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 12 Susunod Ash-Shūrā • Talata 14