Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 14 sa 53 • Tagalog


وَمَا تَفَرَّقُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّ الَّذِينَ أُورِثُوا الْكِتَابَ مِنْ بَعْدِهِمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ 14
Pagsasalin:
Hindi sila nagkawatak-watak [sa iba’t ibang relihiyon] kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo hanggang sa isang taning na tinukoy ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga pinagmana ng kasulatan matapos na nila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān]. Ash-Shūrā 42:14
Tafsīr:
Hindi nagkawatak-watak ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal malibang noong matapos na inilatag sa kanila ang katwiran sa pagpapadala sa kanila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Hindi nangyari ang pagkakawatak-watak nila malibang dahilan sa paglabag at kawalang-katarungan. Kung hindi dahil sa isang nauna sa kaalaman ni Allāh na Siya ay magpapahuli sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon, talaga sanang humatol Siya sa pagitan nila saka nagmadali sana Siya para sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. Tunay na ang mga pinagmana ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano noong matapos ng mga ninuno nila at noong matapos ng mga tagapagtambal na ito ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ito na inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagapagpasinungaling dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 13 Susunod Ash-Shūrā • Talata 15