Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 15 sa 53 • Tagalog


فَلِذَٰلِكَ فَادْعُ ۖ وَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ ۖ وَقُلْ آمَنْتُ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنْ كِتَابٍ ۖ وَأُمِرْتُ لِأَعْدِلَ بَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ ۖ لَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ ۖ لَا حُجَّةَ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ يَجْمَعُ بَيْنَنَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ 15
Pagsasalin:
Kaya para roon ay mag-anyaya ka, magpakatuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at magsabi ka: “Sumampalataya ako sa pinababa ni Allāh na Aklat, at inutusan ako na magmakatarungan sa gitna ninyo. Si Allāh ay Panginoon namin at Panginoon ninyo. Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Walang katwiran sa pagitan namin at pagitan ninyo [para sa alitan]. Si Allāh ay kakalap sa pagitan natin. Tungo sa Kanya ang kahahantungan.” Ash-Shūrā 42:15
Tafsīr:
Mag-anyaya ka tungo sa relihiyong tuwid na ito. Magpakatatag ka rito alinsunod sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang bulaan. Magsabi ka sa sandali ng pakikipagtalo sa kanila: "Sumampalataya ako kay Allāh at sa mga kasulatang pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya. Nag-utos sa akin si Allāh na humatol ako sa pagitan ninyo ayon sa katarungan. Si Allāh na sinasamba ko ay Panginoon namin at Panginoon ninyo sa kalahatan. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na kabutihan man o kasamaan. Ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na kabutihan man o kasamaan. Walang pagtatalo sa pagitan namin at pagitan ninyo matapos na luminaw ang katwiran at lumiwanag ang pangangatwiran. Si Allāh ay magtitipon sa atin sa kalahatan. Tungo sa Kanya ang babalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa bawat isa sa atin ayon sa nagiging karapat-dapat dito, kaya lilinaw sa sandaling iyon ang tapat sa sinungaling at ang nagtototoo sa nagbubulaan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 14 Susunod Ash-Shūrā • Talata 16