Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 16 sa 53 • Tagalog


وَالَّذِينَ يُحَاجُّونَ فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا اسْتُجِيبَ لَهُ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ 16
Pagsasalin:
Ang mga nakikipangatwiran hinggil kay Allāh [sa relihiyon] matapos na tinugon, ang katwiran nila ay walang-saysay sa ganang Panginoon mo. Sumakanila ay galit at ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ash-Shūrā 42:16
Tafsīr:
Ang mga nakikipagtalo sa pamamagitan ng katwirang bulaan sa relihiyong ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – matapos na tumugon ang mga tao rito, ang katwiran ng mga nakikipagtalo na ito ay mawawala at lalagpak sa ganang Panginoon mo at sa ganang mga mananampalataya. Walang bakas dito. Sumakanila ay galit mula kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagtutol nila sa katotohanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 15 Susunod Ash-Shūrā • Talata 17