Si Allāh ang nagpababa ng Aklat kalakip ng katotohanan at timbangan [upang magpakamakatarungan]. Ano ang magpapabatid sa iyo na marahil ang Huling Sandali ay malapit na? Ash-Shūrā 42:17 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang nagpababa ng Qur'ān kalakip ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito at nagpababa ng katarungan upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa pagkamakatarungan. Maaaring ang Huling Sandaling pinasisinungalingan ng mga ito ay malapit na. Alam ng lahat na ang bawat parating ay malapit.