Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga nakikipangatwiran hinggil kay Allāh [sa relihiyon] matapos na tinugon, ang katwiran nila ay walang-saysay sa ganang Panginoon mo. Sumakanila ay galit at ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. (16)
Tafsīr
Ang mga nakikipagtalo sa pamamagitan ng katwirang bulaan sa relihiyong ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – matapos na tumugon ang mga tao rito, ang katwiran ng mga nakikipagtalo na ito ay mawawala at lalagpak sa ganang Panginoon mo at sa ganang mga mananampalataya. Walang bakas dito. Sumakanila ay galit mula kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagtutol nila sa katotohanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: