Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh? Kung hindi dahil sa salita ng pagpapasya ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (21)
Tafsīr
O nagkaroon ba ang mga tagapagtambal na ito ng mga diyos bukod pa kay Allāh? Nagsabatas nga ang mga ito para sa kanila sa relihiyon ng hindi pinayagan para sa kanila ni Allāh ang pagsasabatas niyon gaya ng pagtatambal sa Kanya, pagbabawal sa ipinahintulot Niya, at pagpapahintulot sa ipinagbawal Niya. Kung hindi dahil sa ginawa ni Allāh na isang yugtong tinakdaan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba, at na Siya ay nagpapahuli sa kanila nito, ay talaga sanang nagpasya Siya sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh at mga pagsuway, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: