Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O nagsasabi ba sila: “Gumawa-gawa siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?” Ngunit kung niloob ni Allāh ay magpipinid Siya sa puso mo. Bumubura si Allāh ng kabulaanan at nagtototoo Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya. Tunay na Siya ay Maalam sa mga laman ng mga dibdib [ng mga tao]. (24)
Tafsīr
Kabilang sa haka-haka ng mga tagapagtambal ay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo, bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa, at nagpanatili Ako ng katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: