Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 40

وَجَزَاءُ سَيِّئَةٍ سَيِّئَةٌ مِثْلُهَا ۖ فَمَنْ عَفَا وَأَصْلَحَ فَأَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ 40 ٤٠

Ang ganti sa masagwang gawa ay isang masagwa gawang tulad niyon; ngunit ang sinumang nagpaumanhin at nakipag-ayos, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan. (40)

Tafsīr
Ang sinumang nagnais na kumuha ng karapatan niya, ukol sa kanya iyon, subalit ayon sa katulad, nang walang karagdagan o paglampas. Ang sinumang nagpaumanhin sa gumawa ng masagwa sa kanya, hindi naninisi rito sa paggawa sa kanya ng masagwa, at nakipag-ayos sa pagitan niya at ng kapatid niya, ang gantimpala sa kanya ay nasa ganang kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan, na lumalabag sa katarungan sa mga tao sa mga sarili ng mga ito o mga ari-arian ng mga ito o mga dangal ng mga ito, bagkus nasusuklam Siya sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba