Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 45

وَتَرَاهُمْ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا خَاشِعِينَ مِنَ الذُّلِّ يَنْظُرُونَ مِنْ طَرْفٍ خَفِيٍّ ۗ وَقَالَ الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا إِنَّ الظَّالِمِينَ فِي عَذَابٍ مُقِيمٍ 45 ٤٥

Makikita mo sila na isinasalang doon [sa Apoy] habang mga nagtataimtim dahil sa kaabahan, na tumitingin mula sa isang sulyap na kubli. Magsasabi ang mga sumampalataya: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagdurusang mananatili.” (45)

Tafsīr
Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan na ito kapag isinasalang sila sa Apoy habang sila ay mga aba at mga hinihiya, na tumitingin sa mga tao nang patalilis dala ng tindi ng pangamba nila roon. Magsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya: "Tunay na ang mga lugi, sa totoo, ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahilan sa daranasin nila na pagdurusang dulot ni Allāh. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay nasa isang pagdurusang mamamalagi, na hindi mapuputol magpakailanman."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba