Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tumugon kayo sa Panginoon ninyo bago pa may sumapit na isang Araw na walang matutulakan para roon mula kay Allāh. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan sa Araw na iyon at walang ukol sa inyo na anumang pagkakaila [ng mga pagkakasala]. (47)
Tafsīr
Tumugon kayo, O mga tao, sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagdadali-dali sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at pag-iwan sa pagpapaliban bago pa sumapit ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating ay walang magtutulak doon. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan na dudulugan ninyo at walang ukol sa inyo na anumang pagkakailang ipangkakaila ninyo sa mga pagkakasala ninyo na nakamtan ninyo sa Mundo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: