Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 5

تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْ فَوْقِهِنَّ ۚ وَالْمَلَائِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِمَنْ فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 5 ٥

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain. (5)

Tafsīr
Bahagi ng kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na halos ang mga langit sa kabila ng pagkalaki ng mga ito at pagkaangat ng mga ito ay nagkakalamat-lamat mula sa ibabaw ng mga lupa samantalang ang mga anghel ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila at nagdadakila sa Kanya habang mga pumupuri sa Kanya bilang pagpapakumbaba at pagpipitagan, at humihiling ng kapatawaran mula sa Kanya para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba