Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 5 sa 53 • Tagalog


تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْ فَوْقِهِنَّ ۚ وَالْمَلَائِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِمَنْ فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 5
Pagsasalin:
Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain. Ash-Shūrā 42:5
Tafsīr:
Bahagi ng kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na halos ang mga langit sa kabila ng pagkalaki ng mga ito at pagkaangat ng mga ito ay nagkakalamat-lamat mula sa ibabaw ng mga lupa samantalang ang mga anghel ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila at nagdadakila sa Kanya habang mga pumupuri sa Kanya bilang pagpapakumbaba at pagpipitagan, at humihiling ng kapatawaran mula sa Kanya para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 4 Susunod Ash-Shūrā • Talata 6