Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan. Ash-Shūrā 42:4 ⧉
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paggapi Niya; ang Sukdulan sa sarili Niya.