Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 7

وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لِتُنْذِرَ أُمَّ الْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا وَتُنْذِرَ يَوْمَ الْجَمْعِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ فَرِيقٌ فِي الْجَنَّةِ وَفَرِيقٌ فِي السَّعِيرِ 7 ٧

Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa [Makkah na] Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito [na mga taga-Makkah at lahat ng mga tao] at magbabala ka [sa mga tao] ng Araw ng Pagtipon nang walang pag-aalinlangan doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab. (7)

Tafsīr
Tulad ng pagkasi Namin sa mga propeta noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur’an na Arabe upang magbabala ka sa Makkah at sinumang nasa paligid nito na mga pamayanan ng mga Arabe, pagkatapos sa mga tao sa kalahatan, at magpangamba ka mga tao ng Araw ng Pagbangon, ang Araw na titipunin ni Allāh ang mga una at ang mga huli sa nag-iisang larangan para sa pagtutuos at pagganti. Walang duda hinggil sa pagkaganap ng Araw na iyon. Ang mga tao ay mga mahahati roon sa dalawang pangkat. May isang pangkat sa Hardin: ang mga mananampalataya, at may isang pangkat sa Apoy: ang mga tagatangging sumampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba