Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




43 Az-Zukhruf(الزخرف), Talata 32

أَهُمْ يَقْسِمُونَ رَحْمَتَ رَبِّكَ ۚ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُمْ مَعِيشَتَهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَتَّخِذَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗ وَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِمَّا يَجْمَعُونَ 32 ٣٢

Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila. (32)

Tafsīr
Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo, O Sugo, kaya nagbibigay sila nito sa sinumang niloloob nila at nagkakait sila nito sa sinumang niloloob nila, o si Allāh? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng mga panustos nila sa Mundo. Gumagawa Kami mula sa kanila ng mayaman at maralita upang ang iba sa kanila ay maging pinagsisilbi para sa iba pa. Ang awa ng Panginoon mo para sa mga lingkod Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon ng mga ito na naglalahong basura ng Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba