Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




43 Az-Zukhruf(الزخرف), Talata 61

وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ 61 ٦١

Tunay na si Jesus ay talagang [isang tanda ng] kaalaman [sa paglapit ng] Huling Sandali kaya huwag nga kayong magtaltalan hinggil dito at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid. (61)

Tafsīr
Tunay na si Jesus ay talagang isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali kapag bumaba siya sa wakas ng panahon kaya huwag kayong magduda na ang Huling Sandali ay magaganap, at sumunod kayo sa akin sa inihatid ko sa inyo mula sa ganang kay Allāh. Itong inihatid ko sa inyo ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba