Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 17)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagbigay Kami sa kanila ng mga malinaw na patunay mula sa usapin [ng relihiyon] ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba. (17)
Tafsīr
Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayang nagpapaliwanag sa katotohanan mula sa kabulaanan ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na nailatag ang mga katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta Naming si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya. Walang humila sa kanila sa pagkakaiba-ibang ito kundi ang paglabag nila sa isa't isa dala ng sigasig sa pamumuno at impluwensiya. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa kung sino noon ang nagtototoo at kung sino noon ang nagbubulaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: