Nagbigay Kami sa kanila ng mga malinaw na patunay mula sa usapin [ng relihiyon] ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba. Al-Jāthiyah 45:17 ⧉
Tafsīr:
Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayang nagpapaliwanag sa katotohanan mula sa kabulaanan ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na nailatag ang mga katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta Naming si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya. Walang humila sa kanila sa pagkakaiba-ibang ito kundi ang paglabag nila sa isa't isa dala ng sigasig sa pamumuno at impluwensiya. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa kung sino noon ang nagtototoo at kung sino noon ang nagbubulaan.