Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang batas mula sa kautusan kaya sumunod ka rito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam. Al-Jāthiyah 45:18 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang daan, isang kalakaran, at isang pamamaraan mula sa kautusan Namin na ipinag-utos Namin sa bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin. Nag-aanyaya ito sa pananampalataya at gawang maayos, kaya sumunod ka sa batas na ito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam sa katotohanan sapagkat ang mga pithaya nila ay nagpapaligaw palayo sa katotohanan.