Tunay na sila ay hindi makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ang iba sa kanila ay mga katangkilik ng iba pa. Si Allāh ay Katangkilik ng mga tagapangilag magkasala. Al-Jāthiyah 45:19 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga hindi nakaaalam sa katotohanan ay hindi makapipigil palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh, kung sinunod mo ang mga pithaya nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa lahat ng mga kapaniwalaan at mga relihiyon, ang iba sa kanila ay tagapag-adya ng iba at tagaalalay nito laban sa mga mananampalataya. Si Allāh ay tagapag-adya ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.