Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 25)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, walang naging iba ang katwiran nila kundi na nagsabi sila: “Maglahad kayo ng mga [namatay na] ninuno natin kung kayo ay naging mga tapat.” (25)
Tafsīr
Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli ang mga tanda Namin bilang mga maliwanag na patunay, hindi sila nagkaroon ng anumang katwirang ikinakatwiran nila kundi ang sabi nila sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa mga Kasamahan niya: "Magbigay-buhay kayo para sa amin ng mga ninuno namin na namatay, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na kami ay bubuhaying muli matapos ng kamatayan namin."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: