Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, walang naging iba ang katwiran nila kundi na nagsabi sila: “Maglahad kayo ng mga [namatay na] ninuno natin kung kayo ay naging mga tapat.” Al-Jāthiyah 45:25 ⧉
Tafsīr:
Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli ang mga tanda Namin bilang mga maliwanag na patunay, hindi sila nagkaroon ng anumang katwirang ikinakatwiran nila kundi ang sabi nila sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa mga Kasamahan niya: "Magbigay-buhay kayo para sa amin ng mga ninuno namin na namatay, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na kami ay bubuhaying muli matapos ng kamatayan namin."