Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jāthiyah — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jāthiyah • Talata 26 sa 37 • Tagalog


قُلِ اللَّهُ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يَجْمَعُكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 26
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon nang walang pag-aalinlangan doon, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” Al-Jāthiyah 45:26
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo sa pamamagitan ng paglikha sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo matapos ng kamatayan ninyo tungo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. Ang Araw na iyon na walang pagdududa hinggil doon ay sasapit, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam. Dahil doon, hindi sila naghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jāthiyah • Talata 25 Susunod Al-Jāthiyah • Talata 27