Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 26

قُلِ اللَّهُ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يَجْمَعُكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 26 ٢٦

Sabihin mo: “Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon nang walang pag-aalinlangan doon, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (26)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo sa pamamagitan ng paglikha sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo matapos ng kamatayan ninyo tungo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. Ang Araw na iyon na walang pagdududa hinggil doon ay sasapit, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam. Dahil doon, hindi sila naghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba