Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 31

وَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا أَفَلَمْ تَكُنْ آيَاتِي تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فَاسْتَكْبَرْتُمْ وَكُنْتُمْ قَوْمًا مُجْرِمِينَ 31 ٣١

Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, [sasabihin]: “Hindi ba ang mga talata Ko [sa Qur’ān] ay binibigkas sa inyo ngunit nagmalaki kayo at kayo noon ay mga taong salarin? (31)

Tafsīr
Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh, sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Hindi ba ang mga tanda Ko ay binibigkas sa inyo ngunit nagpakataas-taas kayo laban sa pananampalataya sa mga ito at kayo noon ay mga taong salarin, na nagkakamit ng kawalang-pananampalataya at mga kasalanan?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba