Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, [sasabihin]: “Hindi ba ang mga talata Ko [sa Qur’ān] ay binibigkas sa inyo ngunit nagmalaki kayo at kayo noon ay mga taong salarin? Al-Jāthiyah 45:31 ⧉
Tafsīr:
Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh, sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Hindi ba ang mga tanda Ko ay binibigkas sa inyo ngunit nagpakataas-taas kayo laban sa pananampalataya sa mga ito at kayo noon ay mga taong salarin, na nagkakamit ng kawalang-pananampalataya at mga kasalanan?