Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila sa awa Niya [sa Paraiso]. Iyon ay ang pagkatamong malinaw. Al-Jāthiyah 45:30 ⧉
Tafsīr:
Kaya tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – sa Paraiso Niya dahil sa awa Niya. Ang pagganting iyon na ibibigay sa kanila ni Allāh ay ang pagkatamong maliwanag na hindi natutumbasan ng isang pagkatamo.