Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jāthiyah — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jāthiyah • Talata 32 sa 37 • Tagalog


وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَالسَّاعَةُ لَا رَيْبَ فِيهَا قُلْتُمْ مَا نَدْرِي مَا السَّاعَةُ إِنْ نَظُنُّ إِلَّا ظَنًّا وَمَا نَحْنُ بِمُسْتَيْقِنِينَ 32
Pagsasalin:
Kapag sinabi: ‘Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo at ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon,’ ay nagsasabi kayo: ‘Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandali; hindi kami nagpapalagay [na magaganap ito] kundi ng isang pagpapalagay at kami ay hindi mga nakatitiyak.’” Al-Jāthiyah 45:32
Tafsīr:
Kapag sinabi sa inyo: 'Tunay na ang pangako ni Allāh – na ipinangako Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay bubuhay muli sa kanila at gaganti sa kanila – ay katotohanang walang mapag-aalinlanganan hinggil dito, at ang Huling Sandali ay katotohanang walang duda hinggil dito kaya gumawa kayo para rito,' ay nagsasabi naman kayo: "Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandaling ito. Hindi kami nagpapalagay kundi ng isang pagpapalagay na mahina na ito ay sasapit, at kami ay hindi mga nakatitiyak na ito ay sasapit.'"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jāthiyah • Talata 31 Susunod Al-Jāthiyah • Talata 33