Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 32)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag sinabi: ‘Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo at ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon,’ ay nagsasabi kayo: ‘Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandali; hindi kami nagpapalagay [na magaganap ito] kundi ng isang pagpapalagay at kami ay hindi mga nakatitiyak.’” (32)
Tafsīr
Kapag sinabi sa inyo: 'Tunay na ang pangako ni Allāh – na ipinangako Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay bubuhay muli sa kanila at gaganti sa kanila – ay katotohanang walang mapag-aalinlanganan hinggil dito, at ang Huling Sandali ay katotohanang walang duda hinggil dito kaya gumawa kayo para rito,' ay nagsasabi naman kayo: "Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandaling ito. Hindi kami nagpapalagay kundi ng isang pagpapalagay na mahina na ito ay sasapit, at kami ay hindi mga nakatitiyak na ito ay sasapit.'"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: