Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 35)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Iyon ay dahil kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutya at luminlang sa inyo ang buhay na pangmundo.” Kaya sa Araw na iyon, hindi sila ilalabas mula roon [sa Impiyerno] ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh]. (35)
Tafsīr
Ang pagdurusang iyon na pagdurusahin kayo roon ay dahilan sa kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutyang ipinantutuya ninyo. Dumaya sa inyo ang buhay dahil sa mga sarap nito at mga ninanasa rito." Kaya sa Araw na iyon, hindi ilalabas ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga nangungutya sa mga tanda ni Allāh mula sa Apoy, bagkus mananatili sila roon bilang mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila pababalikin sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos at hindi malulugod sa kanila ang Panginoon nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: