Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 17)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang nagsabi sa mga magulang niya: “Pagkasuya sa inyong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako [sa libingan] samantalang lumipas na ang mga [ibang] salinlahi bago ko pa?” samantalang silang dalawa [na mga madulang] ay nagpapasaklolo kay Allāh, [na nagsasabi]: “Kapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni Allāh ay [laging] totoo,” ngunit nagsasabi naman siya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.” (17)
Tafsīr
Ang nagsabi sa mga magulang niya: "Buwisit kayong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako mula sa libingan ko na isang buhay matapos ng kamatayan ko gayong lumipas na ang maraming salinlahi at namatay ang mga tao sa mga iyon ngunit walang binuhay na muli na isa man kabilang sa kanila?" Ang mga magulang niya naman ay humihingi ng saklolo mula kay Allāh na patnubayan ang anak nilang dalawa sa pananampalataya samantalang nagsasabi silang dalawa sa anak nila: "Kapahamakan ay ukol sa iyo; kung hindi ka sumampalataya sa pagbubuhay, sampalatayanan mo ito! Tunay na ang pangako ni Allāh na pagbubuhay ay totoo, walang pag-aalinlangan dito." Ngunit magsasabi siya habang nag-uulit ng pagkakaila niya sa pagbubuhay: "Walang iba itong sinasabi tungkol sa pagbubuhay kundi isang ipinarating mula sa mga aklat ng mga naunang tao at isinatitik nila, na hindi napatutunayang buhat kay Allāh."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: