Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 26

وَلَقَدْ مَكَّنَّاهُمْ فِيمَا إِنْ مَكَّنَّاكُمْ فِيهِ وَجَعَلْنَا لَهُمْ سَمْعًا وَأَبْصَارًا وَأَفْئِدَةً فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ سَمْعُهُمْ وَلَا أَبْصَارُهُمْ وَلَا أَفْئِدَتُهُمْ مِنْ شَيْءٍ إِذْ كَانُوا يَجْحَدُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ 26 ٢٦

Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya. (26)

Tafsīr
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bumaba sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba