Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 26 sa 35 • Tagalog


وَلَقَدْ مَكَّنَّاهُمْ فِيمَا إِنْ مَكَّنَّاكُمْ فِيهِ وَجَعَلْنَا لَهُمْ سَمْعًا وَأَبْصَارًا وَأَفْئِدَةً فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ سَمْعُهُمْ وَلَا أَبْصَارُهُمْ وَلَا أَفْئِدَتُهُمْ مِنْ شَيْءٍ إِذْ كَانُوا يَجْحَدُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ 26
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya. Al-Aḥqāf 46:26
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bumaba sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 25 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 27