Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay babalik [sa masamang gawi nila]. Al-Aḥqāf 46:27 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo, O mga mamamayan ng Makkah, na mga pamayanan sapagkat nagpahamak Kami sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan; at nagsarisari Kami para sa kanila ng mga katwiran at mga patotoo sa pag-asang bumalik sila palayo sa kawalang-pananampalataya nila.