Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 28 sa 35 • Tagalog


فَلَوْلَا نَصَرَهُمُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ قُرْبَانًا آلِهَةً ۖ بَلْ ضَلُّوا عَنْهُمْ ۚ وَذَٰلِكَ إِفْكُهُمْ وَمَا كَانُوا يَفْتَرُونَ 28
Pagsasalin:
Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa. Al-Aḥqāf 46:28
Tafsīr:
Kaya bakit kaya hindi nag-adya sa kanila ang mga anitong ginawa nilang mga diyos bukod pa kay Allāh, na nagpapakalapit sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagsamba at pag-aalay? Hindi nag-adya ang mga ito sa kanila nang tiyakan, bagkus nawala ang mga ito sa kanila nang pinakakailangan nila ang mga ito. Iyon ay kasinungalingan nila at paggawa-gawa nila, na minithi ng mga sarili nila: na ang mga anitong ito ay magpakinabang sa kanila at mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 27 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 29