Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 29 sa 35 • Tagalog


وَإِذْ صَرَفْنَا إِلَيْكَ نَفَرًا مِنَ الْجِنِّ يَسْتَمِعُونَ الْقُرْآنَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوا أَنْصِتُوا ۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوْا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ مُنْذِرِينَ 29
Pagsasalin:
[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila]. Al-Aḥqāf 46:29
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsugo Kami sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān na pinababa sa iyo, saka noong dumalo sila para makinig niyon ay nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: "Tumahimik kayo upang makaya nating makinig doon." Kaya noong natapos ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagbigkas niya ay bumalik sila sa mga kalahi nila upang magbabala sila sa mga iyon laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 28 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 30