Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 29

وَإِذْ صَرَفْنَا إِلَيْكَ نَفَرًا مِنَ الْجِنِّ يَسْتَمِعُونَ الْقُرْآنَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوا أَنْصِتُوا ۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوْا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ مُنْذِرِينَ 29 ٢٩

[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila]. (29)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsugo Kami sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān na pinababa sa iyo, saka noong dumalo sila para makinig niyon ay nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: "Tumahimik kayo upang makaya nating makinig doon." Kaya noong natapos ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagbigkas niya ay bumalik sila sa mga kalahi nila upang magbabala sila sa mga iyon laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba