Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 34

وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِينَ كَفَرُوا عَلَى النَّارِ أَلَيْسَ هَٰذَا بِالْحَقِّ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُونَ 34 ٣٤

Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.” (34)

Tafsīr
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba itong nasasaksihan ninyo na pagdurusa ay katotohanan, o na ito ay kasinungalingan gaya ng dati ninyong sinasabi sa Mundo?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin, tunay na ito ay talagang katotohanan." Kaya sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba