Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.” Al-Aḥqāf 46:34 ⧉
Tafsīr:
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba itong nasasaksihan ninyo na pagdurusa ay katotohanan, o na ito ay kasinungalingan gaya ng dati ninyong sinasabi sa Mundo?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin, tunay na ito ay talagang katotohanan." Kaya sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh."