Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 35 sa 35 • Tagalog


فَاصْبِرْ كَمَا صَبَرَ أُولُو الْعَزْمِ مِنَ الرُّسُلِ وَلَا تَسْتَعْجِلْ لَهُمْ ۚ كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَ مَا يُوعَدُونَ لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا سَاعَةً مِنْ نَهَارٍ ۚ بَلَاغٌ ۚ فَهَلْ يُهْلَكُ إِلَّا الْقَوْمُ الْفَاسِقُونَ 35
Pagsasalin:
Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh]. Al-Aḥqāf 46:35
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kababayan mo sa iyo tulad ng pagtitiis ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, at Jesus – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at huwag mong madaliin para sa kanila ang pagdurusa. Para bang ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila na pagdurusa sa Kabilang-buhay – ay hindi nanatili sa Mundo kundi isang oras mula sa maghapon dahil sa haba ng pagdurusa nila. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagpapaabot at isang kasapatan para sa tao at jinn kaya walang ipahahamak sa pamamagitan ng pagdurusa kundi ang mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 34 Susunod Muḥammad • Talata 1