Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 35)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh]. (35)
Tafsīr
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kababayan mo sa iyo tulad ng pagtitiis ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, at Jesus – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at huwag mong madaliin para sa kanila ang pagdurusa. Para bang ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila na pagdurusa sa Kabilang-buhay – ay hindi nanatili sa Mundo kundi isang oras mula sa maghapon dahil sa haba ng pagdurusa nila. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagpapaabot at isang kasapatan para sa tao at jinn kaya walang ipahahamak sa pamamagitan ng pagdurusa kundi ang mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: